1. Tanggalin o i-hiwalay ang mixer at speaker. Slide to the left ang lock para matanggal ang mixer sa speaker.
2. Buksan ang compartment sa kabilang speaker at kunin ang mga cables. Pull down naman ang lock para mabuksan ang compartment.
3. Ikabit ang power lead sa power input. Tapos ang dulo neto papuntang power outlet.
4. Ikabit ang speaker cable. Ang isang dulo sa mixer na color coded na pula. Tapos yung kabilang dulo sa speaker, color coded din na pula. Eto din ang gawin nyo sa kabilang speaker, paki kabit ng wire sa mixer at yung kabilang dulo sa speaker.
5. Palaging tandaan na ilagay muna ang master volume sa zero bago pindutin ang power on.
6. Bawat channel ay may icon o drawing para alam mo kng ano ang pwedeng ikabit dito gaya ng microphone, gitara o keyboards. Bago magkabit ng microphone, gitara o keyboards pati na rin ang Bluetooth, palaging ilagay sa zero ang volume level. Tapos pagnakakabit na ang cable o wire saka lng taasan ng dahan dahan ang volume. Siguradohin na ang master volume ay na-angat din para lumabas ang tunog sa speakers.
7. Para gumana ang Bluetooth, press and hold for 6 or more seconds at antayin na mabilis ang flashing ng ilaw para makaconnect ang iyong device. Buksan ang yung phone, tablet o iPad at hanapin sa bluetooth devices ang STAGEPAS 400BT. Tapos click connect. Pag connected na, dahan dahan i-angat ang volume sa Channel 7/8. Tapos merong switch to na stereo at mono. Mas malakas ang Bluetooth pag mono.
8. Paano ikabit ang wireless microphone, gamitin ang channel 3 or 4 kasi XLR combo ito. Ikabit ang cable ng wireless at siguradohin na zero ang volume level. Ikabit ang adaptor ng receiver, at iconnect sa power socket. Ayusin ang antenna at volume level ng receiver. Siguradohin na may battery ang wireless mic at ang switch nito ay may standby mode. Pag nasagitna ang switch standby sya, di pa yan on kaya walang sound nalalabas, pihitin pa pataas para naka-on ang mic.
9. Ready na ang unit natin.